Literatura

Sa dami ng natutunan ko sa Fil 14 itong semestre, ang typography ang nagustuhan ko.

Alaala: Para sa mga batang pinanganak bago mag-2000. (Revised)

Naaalala niyo pa ba ang mga laro sa labas ng bahay? Ang mga larong kinakailangan ang ibang mga bata? Iyong tipong hindi kailangan ang kuryente, o cellphone, o kahit ang Internet.

Ang sumusunod ay ilan sa mga popular na mga gawain ng mga bata noon (Baka hindi lahat ay ginawa nilaro ang mga ito, ngunit ang mga ito ay ang aking naaalala mula sa aking kabataan):

  1. Pag-akyat sa puno (patingin-tingin sa mga magagandang puno’t ibon, atbp.)
  2. Patintero
  3. Habulan/Takbuhan
  4. Monopoly
  5. Bahay-bahayan
  6. Gameboy
  7. TV (cartoons)
  8. Pagsulat sa diary

Ang mga gawain na iyan ay pinalitan na ng mga mas makabagong gawain at laro. Ang sumusunod naman ay ang mga gawain na pumalit sa mga lumang laro ng mga bata:

  1. Ang pag-akyat sa puno ay napalitan na nang paglilibot sa mga mall, at iba pa. Kasama na rito ang pagkukuha ng litrato ng mga gusali, o kaya puno, o kaya naman pagkain. Puro na lang Instagram at Twitter ang pinag-uusapan, at ginagawa.
  2. Ang patintero naman ay pinalitan na ng mga video games na madalas ay mayroong patayan, barilan, atbp. Isang halimbawa nito ay ang Counter Strike; sa laro na ito ay mayroong pag-iiwas din.
  3. Ang habulan ay naging paglaro ng mga larung pabilisan sa PS3, o kaya sa Xbox.
  4. Ang dating nilalaro sa tunay na boardgame ay ngayong nilalaro na lang sa mga cellphone. Puwedeng bilhin ang Monopoly, at iba pang mga laro, sa cellphone.
  5. Ang bahay-bahayan ang pinalitan naman ng SIMS sa computer, o puwede rin sa cellphone. Ang SIMS ay isang laro na kung saan ay gumagawa ng bahay at pamilya ang manlalaro.
  6. Kung ikaw ay batang tinatawag na 90’s kid, siguradong alam mo kung ano ang Gameboy. Masaya, hindi ba? Ngunit, ngayon ay lahat nasa mga cellphone at smartphones na; Candy Crush sa iPhone, o kaya Tiny Tower sa Android.
  7. Ang TV naman ay napalitan na ng computer. Kadalasan ngayon, sa computer na nanonood ang mga tao; kasama rito ang balita, pang-aliw, atbp.
  8. Isa ako sa mga mayroong diary noong bata pa, at marami akong kilalang mayroon. Ito’y napalitan ng TwitterFacebook, at pati narin ang iba’t ibang platform ng blogging (wordpress.com, blogspot.com, tumblr.com, atbp.).


Naaalala niyo pa ba?–Ang simpleng buhay noon.

Postmodernong Pagsusulat.

Ilang itim ang nakagagawa nang pag-aayos nang mundo? Sagot: wala.

Ang sumusunod ay ilan sa mga postmodernong literatura na paminsan-minsan lang ginagamit, at kasama ang aking sariling halimbawa para sa bawat isa:

1. Black comedy – pinagtatawanan, at ginagawang biro ang mga seryosong bagay (problema, isyu, atbp.).

Juan: Babe, mayroon akong regalo para sayo! Binilhan kita ng tuta. Pero noong pauwi na ako galing opisina, nagutom ako, kaya kinain ko. Wag ka nang umiyak! Binibiro lang kita. Alam mo naman na hindi kita bibilhan ng tuta noh!

Si Pepe at si Popo ay matalik at hindi nahihiwalay na batang magkaibigan. Isang gabi, habang nakasakay sila sa kotse ni Pepe, naaksidente sila’t namatay.

2. Irony – puwedeng mga pahayag (kahit litrato) na nagpapakita nang kahulugan na kumokontra sa literal na kahulugan.

Ang mga gym na nag-aalok nang mga tao, at sinasabi: “Maraming mga kasama ang inyong membership! Kasama na doon ang softdrinks, at iced tea!”

Tayo’y nagpuputol ng mga puno para gawing papel, at doon sa papel na iyon, susulatan ng: “Itigil ang global warming!”

3. Typography – ginagamit ang mga bahagi nang isang salita at ng kanyang mga letra para lumikha ng isang larawan.

Literatura

 

4. Diona – binubuo ng tatlong taludtod na mayroong pitong pantig bawat taludtod.

“Literatura”

ni Patricia Syquiatco

Hindi sapat ang batak,

Kailangan mo’y utak.

Dapat nakahahatak.

5. Iba pang madalas gamitin sa mundo ngayon.

5.1 Shortcut/SMS language

“@PATRINGRING: i2ng tweet ay 1 uri ng postm0dern0ng #literatura.”

“Tol, pu2nta k b mmya?”

5.2 Jeje language

Boy: e0w p0whz! Gz2 ü mginG txtm8z?

Girl: e0wh diN! g3h b! mZta n? nU nAm3 mu?

Boy: aQ c pe2! kAw?

Girl: aQ c prNcz! H3h3 ü

5.3 Emoticons

“Hi, ate! J Pauwi na ako, naipit lang sa mabagal na daloy ng mga kotse dito sa EDSA! L”

“Ang sarap talaga ng sinigang ni nanay! :p Gusto ko pa kumain, pero busog na ako. :/”

Hindi naman ibig sabihin na ito lang ang mga postmodernong pagsusulat, ngunit ito ang mga nakapagtataka, at mas madalas gamitin ng mga lumilikha ng iba’t ibang uri ng panitikan ngayon.

 

 

Pagtingin.

Image

Ang pagtingin ay ginagamit sa karamihang bagay. Kinakailangan ito hindi lang sa pagmamahal, ngunit sa iba’t ibang mga bagay.

Pagmamahal.

Nagsisimula ang pag-gusto o pagmamahal sa isang tao (babae man o lalaki) sa pagtingin. Mula sa pagkilala, na kadalasan ay mayroong kasamang pagkakamay, hanggang sa pagkakausap at pakikisama sa taong iyon.

Kapag maghahalikan ang magkasintahan, madalas ay nagtitinginan muna, at nagkakaroon ng tinatawag na “spark” o “fireworks”(paputok).

Pagkamuhi.

Pwede bang ipahayag nalang ng isang tao na mayroong masuklam na damdamin siya para sa isa pang tao na hindi pa niya nakikita? Ang pag-aaway, kinakailangan rin naman ang pagtingin (minsan pagbabasa).

Kapag nagsasagutan ang dalawang tao, o masmarami, sila’y nagtitinginan ng masama at may galit na itsura sa mga mukha.

Pagkilos.

Mahirap kumilos, at gumawa ng bagay, kung bulag ang tao. Laging kailangan ng alalay at tumutulong. Paglalakad, pagtakbo, pag-upo, pagkain, pagluto, at iba pa.

Tunay na kinakailangan talaga ang pagtingin sa buhay. Sa lahat ng gawain, ito man ay may kaugnayan sa saya, o sa lungkot at galit.

 

Bukod sa pangangailangan ng pagtingin sa gawaing buhay, ang mata rin ay parang bintana sa ating mga kaluluwa. Sa maraming sitwasyon, itinuturing hindi mapagkakatiwalaan ang tao kung hindi siya makatingin sa iyong mata nang diretso.

Ngunit, hindi lang iyon. Sa paggawa ko ng blog entry na ito, may nabasa ako sa Internet na nais kong ibahagi. Ayon sa Science & Technology na bahagi ng “Mail Online,” nakikita ang mga katangian ng mga tao sa kaayusan ng mga guhit at mga tuldok sa kanilang mga iris. Ang sabi ng mga dalub-agham at tagapagpananaliksik tungkol dito ay wastong may kaugnayan at koneksyon ang mga pattern sa mata at ang katangian dahil ang mga gene na may kagagawan ng paghugis sa mata ay ang bahala rin sa paghubog ng frontal lobe ng utak, na kung saan ay naiiimpluwensiya at nanggagaling ang katangian ng tao.

Sanggunian:

“Scientists discover that eyes really are ‘the window to the soul’.” Mail Online. Daily Mail, 19 Feb 2007. Web. 1 Feb 2013.